Una
- Chelsea Bernales
- Oct 12, 2018
- 1 min read
Updated: Oct 21, 2018

Isang tangang nakatitig sa buwan
Nangangausap at hindi mapakali,
Humihingi ng isang kasunduan
Paukol sa damdaming di na maikubli
Sa ilalim ng mga bituwin na syang nagniningning
Na tila nanguuyam sa mga matang walang sigla
Ani mo’y tinangay ng hangin na pinagbubulungan ng daing,
Puso’t isipa’y di na yata kaya pa.
Ka’y dami nang salitang nabitawan
Ngunit itoý di parin sapat,
Ang bawat bugso at nilalaman
Tila hindi parin naipahayag
Papaano nga ba?
Hetong naninirahan
Sa yakap ng lamig ng gabi
Sa pait na dala ng bawat saglit
Papaano nga ba masasabi?
Comments