Sa Mata ng Mandirigma
- Gian Carlo Salva
- Oct 19, 2018
- 1 min read

Dalawampu’t limang taon na pala ang nagdaan nang mag-wakas aking giyerang ipinaglaban. Bagama’t napakahabang panahon na ang nakalipas, lahat nang pangyayari ay sariwang sariwa pa sa aking isipan.
Namulat ako sa mundong, lahat nang galaw ay limitado. Sa panahong iyon, ang mga tao ay takot magsalita at kontrahin ang gobyerno sapagkat sa isang maling salita o galaw lamang siguradong litro-litrong dugo ang dadanak sa lupain ng ating bayan.
Iilan lamang kaming naglakas loob upang magsimula nang isang rebolusyon. Sakal na sakal at siil na siil na ang mga ibong dapat ay malayang nakalilipad. Hindi naging madali ang pagtahak sa landas na aming napili, ngunit hindi kami sumuko at nanindigan hanggang sa makamit ang sinasabi naming tama at nararapat na kalayaan.
Ngunit nang masilayan ko ngayon ang kalagayan ng ating bayan, bigla na lamang akong napaisip, kung tama ba, tama ba ang aking ipinaglaban?
Comments